Hawaii Disability Rights Center (Tagalog)
Contents
Information
Introduksyon: Kasaysayan at Misyon
Ang Sentro ng Karapatan ng mga may Kapansanan sa Hawaii ang naatasang sistema upang magbigay ng Proteksyon at Tulong sa mga may kapansanan, at Programa ng Pagtulong sa mga Kliyente. Ito ay itinatag noong 1977 bilang korporasyong ‘nonprofit’, upang protektahan at ipaglaban ang mga karapatan pantao, sibil at legal man, ng mga may kapansanan.
May pitong batas pederal na nagbibigay sa HDRC ng kapangyarihang ipatupad ang mga batas upang protektahan ang mga mayroon ng kapansanan mula pagkabata, kapansanan sa pag-iisip/pag-uutak, at lahat ng iba pang uri ng kapansanan. Tinutulungan ng HDRC ang mga may kapansanan. Ang tinatawag na kapansanan ay ang mga taong may limitasyon sa: pag-iistima sa sarili, paggalaw-galaw sa paligid, kakayahang mabuhay ng nagiisa, kakayahang kumita para sa sarili, pag-aaral, sarilingdireksyon, o pang-uunawa at pagpapahiwatig/pakikipagsalita sa iba.